4.12.2011

si buhay ko: komplikado

masaya ako sa tabi mo. lahat ng pagod at puyat wala sa piling mo. 
ngiti at halakhak mo, korni man sa pandinig minsan, musika naman sa puso at damdamin ko.
tanging hiling ko lang. na di ka magbago. ganito. simple. masaya. 

alam ko hirap ka. sa sitwasyon nating dalawa. ako man din walang magawa.
gusto kong ibuhos buong pagkatao ko. lahat ng pagmamahal na kaya ko, iaalay ko.
para sa'yo at sa magiging tayo. 


nabuhos man ng DIYOS lahat ng kamalasan sa relasyon na ito.
igagawa ko ng paraan, gamit ang gusto NIYA at sa paraan NIYA.
simple lang naman talaga ang nais ko. ikaw at ako. magkasama.
nagmamahalan ng walang halong lokohan at disgrasya.


komplikado pero masaya.
sa ganun yata talaga. di naman sa tayo ay nakiuso.
magulo na nakakatuwa.
ni wala nga sa hinagap ko. pangarapin pa kaya? 


mali. alam ko. at alam mo. gusto ko mang itama. nang dahil sa gusto mo. maturuan pa kayang makalimut ang pusong di naman talaga dapat na nagmahal ng todo? ilalaban ko  kung ano meron tayo. sana mapanindigan mo din ang salitang binitiwan mo.


mahal mo ako gaya ng nabibigay mo sa asawa mo.

the thoughts of 3AM

now more than ever, I am fearing for my life.... here I thought that after COVID made its mark, I will be fine and will certainly go back to...