12.24.2010

tanong

Gusto ko pa bang umiyak
Gusto ko pa bang magpakatanga
Gusto ko pa bang sumaya
Gusto ko pa bang maging kawawa


Mga tanong na pilit iwinawaglit pero kusang sasagi
Iwasan mo mang saglit ikaw pa din ang magagapi
Ayoko na
Tama na
Di ko na kaya
Pero bakit sa tuwina puso ko'y ikaw ang dikta


Kelan titigil ito
Kelan magkakaisip
Kelan magsasawa
Kelan mapapagod


Ang sagot ay di ko alam
Pilitin ko mang baguhin
Ito'y ukit na 
Nakamarka
Di na mababago pa
Ilaban ko man ito sarili ko pa ang kokontra


Bakit ngayon
Bakit ikaw
Bakit ako
Bakit ganito


Sadyang mapaglaro ang tadhana
Pero sino ako sa mundong ito
Para pangunahan ang naisulat na
Kundi ang sumunod ng walang pagliko
Na tanggapin ang lahat 
Ayon sa dapat

No comments:

Post a Comment

the thoughts of 3AM

now more than ever, I am fearing for my life.... here I thought that after COVID made its mark, I will be fine and will certainly go back to...