12.28.2010

Tahimik



di na ako magtatanong
kung saan ka at sino ang kasama
kumain ka na ba o okay ka 
ayokong makasakal kaya tatahimik na


sana magawa ko ang lahat para sa'yo
masakyan ang gusto
masunod ang luho
mabigay ang nais mo


di man ikaw ang makita ko
marinig man lang ang boses mo
pipiliting wag mapaghanap
kalayaan mo ang tanging sikap


sana lang sa lahat ng ito
maalala mo ako
nasa likod mo
sa bawat pangarap na ibig mo

No comments:

Post a Comment

the thoughts of 3AM

now more than ever, I am fearing for my life.... here I thought that after COVID made its mark, I will be fine and will certainly go back to...